Ni JAM NAVALES
TINIYAK ni House Committee on Food Security Vice Chairperson at AnaKalusugan partylist Rep. Ray Reyes na bukod sa umento para sa mga obrero, target din ng Kamara ang pababain ang pang araw-araw na gastusin at pagkakaloob ng iba’t-ibang social services para sa bawat mamamayang Pilipino.
“Hindi lang pagtaas ng sweldo ang ating tinitignan kundi kung gaano natin tutugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga bayarin,” ang pahayag pa ng ranking House official.
“Dito sa Congress, maliban sa pagtaas ng sahod, we can offer the public an additional value: ipaglalaban din namin ang pagbaba ng presyo ng gastusin: yung mapamura ang bilihin, mababang kuryente, at libreng pagamot,” dugtong niya.
Giit ni Reyes, kung mababawasan o mas maliit ang halaga ng pamumuhay, ang mga mamamayan ng bansa ay magagawang makapag-ipon o kaya’y magkaroon ng puhunang magagamit sa panimulang negosyo.
“Hindi lang ang wage hike ang titignan natin dito. Hindi lang kung gaano kalaki ang sweldo, kundi gaano kalaki ang naiipon natin pagkatapos nating bayaran ang ating mga bayarin. Lahat ng aspetong ito ay aming binabantayan sa Kongreso,” pagbibigay-diin pa ng AnaKalusugan partylist lawmaker.
“This is the beauty of having a Congress that encompasses all aspects of the lives of the Filipinos, we could do it better. Having a ‘responsive and quick to the results Congress’ assures the public that the Congressmen here hindi lang isang aspeto ang tutugunan namin but the whole dimension of what it means to live in a sustainable society,” dagdag ni Reyes.
Ani Reyes, ang liderato ng Kamara ay kasalukuyang pinag-aaralan ang pagpapatupad ng P150 hanggang P350 daily minimum wage increase para sa lahat ng private sector workers, na mataas kumpara sa inaprubahan P100 wage increase ng Senado
Sinabi ng neophyte pro-health advocate solon na batid din ng House leadership ang pangangailangan na matulungan o masuportahan ang mga manggagawa subalit kinakailangan din tignan ang kapakanan ng mga negosyante.
“I believe the initial proposal is 100 pesos. Sa amin po and based on street opinion, most of the MSMEs can tolerate a certain amount. However, we have to test where the balance point is para sa wage hike,” ayon pa kay Reyes.
“We are definitely not taking the potential repercussions of wage increase on employment rates and business viability lightly. We will not rush and we will make sure that we only pass legislation that is beneficial for the long term,” pagtatapos ng kongresista.
