Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
“BAKIT sila nakapasok… sino ‘yung mga nagbigay-pahintulot? Who turned a blind eye? I’m sure hindi naman pwedeng nangyari lang yon ng sila lang.”
Ito magkakasunod na tanong ni House Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre sa nadiskubreng 36 Chinese nationals na napabilang sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).
Giit ng ranking House official, dapat managot ang sinumang nasa likod ng recruitment ng mga Chinese nationals, sa kabila na rin ng naunang pagtitiyak ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na inalis na ang mga nasabing dayuhan sa kanilang auxiliary force.
“I’m sure there will be people who should be made accountable. It’s not what we can consider an honest mistake, I’m sure the concealment is something that’s malicious and that is a serious threat to national security,” pahayag ni Acidre.
Ayon sa Tingog partylist lawmaker, lubos na nakababahala para sa seguridad ng bansa kung hindi agad na umaksyon ang PCG sa naturang isyu.
“Even if they say they are just PCG Auxiliaries, napapasukan tayo. Akala ko nga, sa pelikula lang nangyayari yung mga ganung bagay,” wika pa ni Acidre.
Samantala, nanawagan ang kongresista sa iba pang ahensya ng gobyerno na mayroon din katulad na auxiliary forces na masusing bantayan at maging mahigpit sa pagkuha ng kanilang volunteer members.
“I hope they look into the qualifications. I hope that this should be a lesson for us moving forward,” aniya pa.
Matatandaan na sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Transportation hinggil sa panukalang batas para sa reorganization at modernization ng PCG, isiniwalat ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang nakalap niyang impormasyon hinggil sa pagkakaroon ng 36 Chinese “aliens,” ibig sabihin hindi bilang Filipino-Chinese, ang kinuhang mga miyembro ng PCGA.
“I understand most of those recruits, who were Chinese, had the ranks of brigadier general, commandant, and they have overtaken the Coast Guard,” pag-uungkat pa ni Barbers, na nagpahayag ng pagkabahala sa recruitment ng Chinese nationals, na maituturing na banta sa seguridad ng bansa.
Malugod naman tinanggap ng Mindanaoan solon, na siya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na tinanggal na ang mga Chinese at gaya ng hirit ni Acidre – dapat ay matukoy ang responsable sa pangyayari at mapatawan ng kaukulang kaparusahan.
