PUSPUSAN na ang paghahanda ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang napipintong pagbabalik-pulitika ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2025 midterm election.
Gayunpaman, hindi senado ang target ng dating Pangulo kundi ang pwesto ng alkalde sa Davao City.
Pag-amin ni former Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, siya mismo ang humihikayat ksa dating Pangulo na kumandidato bilang mayor ng Davao City para sa 2025 midterm election at bilang Pangalawang Pangulo ng anak na si Vice President Sara Duterte sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Batay sa mga political surveys, kabilang ang matandang Duterte sa napipisil na iluklok bilang senador sa Mayo 2025.
Sakaling hindi matuloy ang tambalan ng mag-amang Duterte, isa sa posibleng itambal kay VP Sara sa 2028 presidential election si Senador Robin Padilla.
“Si Robin, pag iyan ang pinatakbo game over na,” hirit ni Panelo batay aniya sa resulta ng 2022 senatorial election kung saan nasungkit ni Padilla ang pinakamaraming boto – higit pa sa suportang nakuha ni Raffy Tulfo na pumangalawa lang sa bilangan.
