PIRMA na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinihintay para ganap na maging batas ang panukalang batas na lilikha ng panibagong rehiyong bubuuin ng mga lalawigan ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor.
Sa isang pahayag, nagpahayag ng kahandaan si Marcos na lagdaan ang naturang panukalang maybibigay daan sa pagtataguyod ng Negros Island Region (NIR).
“I think it makes sense, it’s very difficult for Oriental [garbled] services in the regional centers so kailangan talaga maayos yan. Matagal nang problema yan,” paliwanag ng Pangulo.
“Until we can consolidate, put all together properly, right now hindi pa ganon. It’s very hard to bring government services to the people and that’s the reason behind the regional, the push for making it a single region, so may regional office siya na sarili,” dugtong ni Marcos.
Marso ng kasalukuyang taon nang pagtibayin ng Senado at Kamara ang NIR bill na unang itinatag sa panahon ni yumaong Pangulo Noynoy Aquino subalit kinansela sa termino ni former President Rodrigo Duterte sa bisa ng Executive Order No. 38.
