KUMBINSIDO ang Office of the Ombudsman na may bahid politika ang paghahain ng kaso katiwalian laban sa kinatawan ng mga katutubo sa Sangguniang Bayan sa Tampakan sa lalawigan ng South Cotabato.
Sa isang resolusyon, pinawalang-sala ng Ombudsman si Domingo Collado ng tribong Blaan at T’boli sa South Cotabato.
Sa pagsusuri ng Ombudsman, lumalabas na walang katotohanan at pawang personal na interes ang nasa likod ng kasong katiwalian na inihain sa naturang tanggapan ng mga nais pumalit sa bilang Peoples Mandatory Representative ng mga katutubo sa Sangguniang Bayan ng Tampakan.
Hindi rin kinagat ng Ombudsman ang paratang na korapsyon kaugnay P77,541 pondong ginamit sa 2019 Indigenous Communities Festival sa naturang bayan.
Kasunod ng resolusyon ng Ombudsman, naglabas ng pahayag ng kagalakan ang mga tribal chiefs ng tribong Blaan at T’boli sa South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
