Ni LILY REYES
SA tindi trapik sa Metro Manila na sinabayan pa ng walang humpay na pagtaas sa presyo mga produktong petrolyo, pati bentahan ng manok at baboy sa mga pamilihang bayan sumipa na rin.
Sa price monitoring ng mga independent consumer groups sa Nepa Q-Mart, tumaas ng P10 ang kada kilo ang presyo ng manok – P190 mula sa dating P180 per kilo.
Sapul din ng ang halaga ng karne ng baboy na nasa P260 mula sa dating P240 kada kilo. Ang liempo, umabot na sa P300 per kilo, butu-buto P200 kada kilo, pata nasa P170 per kilo, at tadyang binebenta na sa halagang P235 kada kilo.
Tumaas din ang per kilo ng giniling mula sa dating P260, ngayon ay nasa P280 na ang kada kilo.
Batay sa pahayag ng mga meat vendors, lubhang naapektuhan ang bentahan ng manok at baboy bunsod ng bagong presyong ipinapataw ng mga traders at suppliers. Isa rin sa nakikitang dahilan lingguhang umento sa presyo ng gasolina at krudo.
