SA layunin ilayo ang mga kabataan sa masamang bisyo o magamit ng mga sindikato, sinuyod ng Manila Police District (MPD) ang buong Maynila kung saan umabot sa 2,315 ang bilang ng sinagip na menor de edad.
Ayon kay MPD Director Brigadier General Thomas Ibay, karamihan sa mga nasagip na kabataan sa walang humpay na operasyon mula Marso 1 hanggang Abril 5 ay pawang nakatira lang sa lansangan.
Para kay Ibay, higit na angkop protektahan ang mga kabataan sa lungsod laban sa kriminalidad – kung hindi man magamit ng mga sindikato sa krimen.
Agad na inilipat ng MPD sa kustodiya ng Barangay, Reception and Action Center ng Manila District Social Welfare (MDSW) ang mga nasagip ng kabataan.
Samantala, tinunton ng pamahalaang lungsod ang mga magulang at kaanak ng mga nasagip na menor de edad at isinailalim sa counselling ng MDSW sa hangarin tugunan at tukuyin ang mga dahilan sa pagpakalat-kalat ng mga kabataan sa lansangan.
