Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
MATAPOS ang mahabang bakasyon, nakatakdang tutukan ng Kamara ang kabi-kabilang imbestigasyon kaugnay ng mga tampok na usapin bilang bahagi ng oversight functions ng Kongreso.
Sa isang kalatas, kabilang sa mga tinukoy na isyu ni House Speaker Martin Romualdez ang patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin sa merkado, cybersecurity threats na kinakaharap ng mga ahensya ng gobyerno, at ang usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Paliwanag ng lider-kongresista, nagawa na ng Kamara pagtibayin ang 20 priority measures na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., alinsunod sa rekomendasyon ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago pa man sumipa ang Lenten break ng kongreso.
“Having effectively discharged our legislative duties, the House is positioned to enhance its commitment to oversight functions, (which) will include monitoring and evaluating the implementation of laws and policies, ensuring accountability, transparency, and the protection of the public interest,” pahayag ng lider ng Kamara.
“Through rigorous oversight, the House will actively engage in scrutinizing government actions, addressing inefficiencies, and safeguarding the integrity of our democratic institutions,” dugtong pa niya.
Para kay Romualdez, higit na angkop talupan ng Kamara ang pagbusisi ng mga usaping lubos na nakakaapekto sa pamumuhay ng ordinaryong Pilipino.
Bilang pambungad, sisilipin ng Mabnabang Kapulungan ang malaking diperensiya sa pagitan ng umiiral na farm gate at retail prices ng basic commodities sa layong matukoy ang mga nasa likod ng tinawag niyang hayagang pagsasamantala sa mga maralita.
