KASADO na ang pagdalo ni United States President Donald Trump sa nalalapit na 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Pilipinas sa Nobyembre. Bukod kay Trump, kinumpirma rin ng Palasyo ang pagdalo ng iba pang lider mula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon para sa pagtalakay ng mga usapin sa timog silangang bahagi ng Asya. Gayunpaman, walang inilabas na detalye ang Palasyo hinggil sa petsa ng pagdating at paglisan ni Trump. Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang maglalabas ng iba pang impormasyon kaugnay ng pagtitipon na idaraos mula Nobyembre 16 hanggang 18 ng kasalukuyang taon. Nobyembre 2017 nang huling tumuntong sa Pilipinas si Trump para sa 31st ASEAN Summit sa Maynila. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagbawi sa 3 impeachment charges, taktika ng tagausig VP Sara makikinabang sa pinaigsing paglilitis?