Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
SA halip na mag-akusa, hinimok ni ranking House official at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mga lider ng Filipino-Chinese community sa bansa na bantayan ang kanilang hanay bunsod na rin ng pagkakadawit ng mga Chinese nationals sa kabi-kabilang kriminalidad sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Barbers ang patutsada ni Filipino-Chinese civic leader Teresita Ang See na nagsabing isang uri ng Sinophobia o racism ang nagtulak sa imbestigasyon ng Kamara sa pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan kung saan mayroong joint-military facilities ang Estados Unidos at Amerika sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
“Alam mo, iyong mga nagsasabing Sinophobia at saka racism iyon, sila iyong may ganoong tendency. Tayo ay nagtatanong – national security ang concern natin. Buti sana kung marites lang ito,” bwelta ng Mindanaoan lawmaker.
“Buti sana kung iyong pinag-uusapan dito ay iyong kapitbahay lang natin. But this is a national security issue. And because this is a national security issue, hindi masama na magduda tayo, hindi masama na magtanong tayo at hindi rin masama na imbestigahan natin iyon,” dugtong ng kongresista.
Diin ni Barbers, ang Chinese community ang dapat manguna sa pagbabantay sa sa mga kapwa Tsino na nasa Pilipinas dahil na rin sa pagkakasangkot sa iba’t-ibang ilegal na gawain.
“Sabi ko nga kanina, welcome ang mga Chinese. Iyong na-raid na bahay sa Taguig at sa Multinational Village kung saan may mga mataas na kalibre ng baril na nahuli, hindi po ba involved ang Chinese?” patutsada ng veteran lawmaker.
“So, I would urge the Chinese community, the Filipino-Chinese community na kung maaari po sana, you your ranks. We’re not anti-China dito,” paglilinaw wni Barbers.
Sinabi ni Barbers na angkop at bahagi ng mandato ng Kongreso imbestigahan ang biglang dumagsa ang Chinese nationals na nabigyan ng permiso na makapag-aral sa Cagayan kung saan mayroong EDCA sites at sa gitna ng patuloy na umiinit na territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Bukod dito, magkakaiba ang datos na nilalabas ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno hinggil sa bilang ng mga Tsino na naka-enroll sa iba’t-ibang higher educational institutions sa Cagayan at Tuguegarao City.
