ANUMAN ang mapag kasunduang voting threshold, kumbinsido ang House prosecution panel na sapat at matibay ang ebidensya ang mananaig sa pagbibigay ng hatol kay Vice President Sara Duterte.

“Whether ito ay 16, 15, 14, kami ay naghahanda para maipakita ang ebidensya nang sa ganun ay makumbinsi natin sila sa tibay ng ebidensya,” wika ni House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua.

“At the end of the day, hindi lang naman ang mga senator-judges ang ating audience dito, bagkus pati ang taong bayan,” dugtong niya.

Ginawa ni Chua ang pahayag matapos ang pagharap nina former Supreme Court (SC) Chief Justices Artemio Panganiban, Reynato Puno at Hilario Davide Jr., gayundin si retired Associate Justice Adolfo Azcuna sa Senate impeachment court bilang amici curiae, o friends of the court, para magbigay ng pananaw sa usapin ng voting threshold.

“Maliwanag ’yung sinabi ng lahat ng magistrado kahapon na ang discretion whether to fix the threshold to 16 or ibababa ito ay nasa kamay ng Senado,” paglalarawan ni Chua sa naging pahayag ng mga respetadong former magistrate. 

Umaasa naman ang ranking House official na sa lalong madaling panahon ay mareresolba ng Senado ang nasabing isyu.

Sa panig ni House impeachment team spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang usapin ay hindi ang pagbabago sa two-thirds requirement na itinakda ng Saligang Batas, bagkus ay para mabatid kung maaari itong ipatupad sa kasalukuyang estado ng Senado.

“Ang naka-fix po is ’yung two-thirds. Ang pag-usapan po natin, paano po natin i-apply ’yung two-thirds doon sa kabuuang miyembro ng Senado para makuha po natin ’yung two-thirds na boto,” sabi pa ni Alonto Adiong.

“’Yung pag-lower down ng actual number, it’s not actually arbitrary. It should not be taken as, dahil gusto lang naming i-lower ’yung number. Hindi po,” giit niya.

Naniniwala sina Chua at Alonto Adiong na ang ginawang pag-imbita na ito ng Senado sa mga dating pinuno at miyembro ng High Tribunal ay isang maingat na pagsusuri ng usapin upang magabayan ang senator-judges sa tamang pagpapasya.

“Very cautious sila na before they arrive into a final decision, gusto nilang makonsulta ang mga mahistrado natin.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *