MATAPOS ibasura ng Sandiganbayan ang hirit na hospital transfer, muling nanindigan si dating House Speaker Martin Romualdez na wala siyang kinalaman sa mga paratang ng Ombudsman.

Sa isang kalatas, tiniyak ni Romualdez ang pagtalima sa utos ng anti-graft court, kasabay paghahayag ng kahandaan harapin ang kinakaharap na kaso.

“I respect the decision of the Sandiganbayan,” wika ni Romualdez.

Nagpasalamat din ang dating lider ng Kamara sa mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center, gayundin sa mga dalubhasa mula sa Philippine General Hospital (PGH).

“I will continue to follow the medical advice of my doctors,” ani Romualdez.

Binigyan-diin ni Romualdez na ang pagbabago sa kanyang kustodiya ay hindi naman nagpabago sa una pa lamang niyang posisyon — “I have always said that I will face the charges against me and answer them before the proper court. That has not changed.” 

“I maintain my innocence. Haharapin ko ang kaso. Sasagutin ko ang mga paratang,” dugtong ng Leyte solon.

Sinabi ni Romualdez na batid niya ang hirap sa mga naging pangyayari, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi maging sa miyembro ng kanyang pamilya subalit patuloy niyang haharapin ang mga alegasyon ng may matibay na dignidad.

“This is a difficult moment for me and my family. But I will face the days ahead with dignity, with faith in God, and with confidence in the truth.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *