HUMIGIT kumulang 1,500 Pinoy ang bihag ng mga sindikato sa likod ng online scamming operation na nakabase sa Myanmar.

Sa isang panayam na inilabas sa Bilyonaryo News Channel, inginuso ni dating Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio ang kinaroroonan ng mga Pilipinong ginagamit sa online modus.

Kinumpirma rin ni Casio na dumanas ng matinding pananakit ang mga Pinoy na nagtangkang tumakas — o makipag-ugnayan man lang sa embahada ng Pilipinas sa naturang bansa.

Matatagpuan aniya ang scam hub na pinagtatrabahuhan ng mga Pinoy border ng Myanmar at Thailand. Bukod umano sa mga Pinoy, nasa 10,000 iba pa muula sa mga karatig bansa sa Asya ang hawak ng mga sindikato.

Bilang patunay, inamin ni Casio na patuloy ang pakikipag-ugnayan (gamit ang Telegram at WhatsApp) sa kanya ng 34 Pilipinong bihag ng sindikato.

Samantala, tiniyak ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na makipag-ugnayan ang pamahalaan sa awtoridad sa Myanmar para mapalaya at makabalik sa Pilipinas ang mga biktimang Pinoy. 

Binalaan din ni Casio ang mga Pinoy laban sa alok ng trabaho sa Myanmar, Cambodia, Laos at Vietnam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *