MATAPOS ang lansagin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sindikato sa likod ng nabistong scam hub sa Subic, nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan para sa paglulunsad ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga sangkot sa operasyon ng online scam at illegal gaming sa bansa.

“We must strengthen our efforts against illegal gaming and scam operations to ensure that we are not seen as the new haven for such activities.” wika ni Abra lone district Rep. JB Bernos na tumatayong vice-chairman ng House Committee on Public Order and Safety.

“Failure to do so would basically be an open invitation to other syndicates that illegal activity can be conducted here with minimal consequences,” dugtong ng mambabatas.

Giit ni Bernos, dapat din palakasin ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan sa foreign counterparts, lalo na sa mga kalapit bansa sa Asya.

Ito’y bunsod sa posibilidad na ilang sindikato ang mag-isip na ilipat ang operasyon sa Pilipinas dahil sa agresibong crackdown ng ilang bansang bahagi ng ASEAN.

“There is value not only in intelligence-sharing but also in the exchange of best practices,” ani Bernos.

Hinimok din niya ang local law enforcement agencies bantayan ang posibleng maging partners ng international scam hub operators at tugisin o gumawa ng kaukulang hakbang para mapigilan ang pagsasanib pwersa ng dalawang masamang elemento.

“Hindi makakapag-operate ang mga ito nang walang tulog mula mismo dito sa loob ng ating bansa. Kaya kailangan matukoy natin kung sino ang mga ito at siguruhing mapanagot sila sa batas.” 

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *