November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

2 pang bahura sa WPS, pinalibutan ng 50 Chinese vessels

NI EDWIN MORENO

HINDI bababa sa 50 Chinese vessels ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paligid ng Iroquois Reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isinagawang air patrol kamakaila ng Western Command (WesCom) ng AFP,  nasa 48 Chinese fishing vessels ang namataan malapit sa Iroquois Reef na nasa timog ng Recto Bank sa WPS.

Ayon kay Lieutenant Karla Andres, co-pilot ng light patrol aircraft ng Philippine Navy, nakita ang mga Chinese fishing vessels na pawang naka-angkla  “in groups of five to seven.”

Gayunpaman, katakataka naman aniyang walang anumang pangingisdang isinasagawa ang mga barkong pangisda.

“They seem to just loiter in the area,” ayon sa WesCom.

Batay sa naunang Intelligence Surveillance and Reconnaissance (ISR) flights, tumaas sa 47 noong Hunyo 12 ang Chinese fishing vessels sa lugar mula sa 12 noong Pebrero.

Bukod sa Chinese fishing vessels, tatlo pang barko ng China Coast Guard (CCG) at dalawang People’s Liberation Army Navy vessels ang nasipat malapit sa Sabina Shoal.