
WALO sa bawat 10 Pilipino ang hindi lubos na nauunawaan ang usapin at maging ang mekanismong kalakip ng kontrobersyal na Maharlika Investment Fund, ayon sa resulta ng pag-aaral ng Social Weather Station (SWS).
Dalawa naman sa 10 respondents sa survewy na pinangasiwaan ng SWS ang nagsabing limitado o may kaunti silang nauunawaan hinggil sa Maharlika na isinusulong ng administrasyon.
Sa naturang bilang, 5% ang sumagot na malawak ang kanilang kaalaman at 15% ang naniniwalang sakto lang ang kanilang pag-unawa sa naturang usapin.
Higit naman sa kalahati ang naniniwalang walang magiging pakinabang sa mga Pilipino ang Maharlika, kasabay ng giit na bulsa ng mga tiwali lang ang kapupuntahan ng pondo ng MIF.
Nakatakdang humugot ng P500 bilyon ang pamahalaan mula sa Central Bank at dalawa pang government-owned financial institutions.