DALAWA pang saksi sa huling kaso ng droga ni dating seandor Leila de Lima ang aatas sa naunang testimonya, ayon sa dokumentong nakalap nitong Lunes.
Sa liham kay de Lima at dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Bucayu na may petsang Oct. 12, sinabi ni dating pulis PMaj. Rodolfo Magleo at PSgt. Nonilo Arile na binabawi nila ang nauna nilang testimonya dahil sa ilang kadahilanan.
“We are bothered by our conscience. We do not want you to be victim of mistrial. We will reveal in due time. We are assuring you all that the last case will be dismissed,” ayon sa liham na inilabas sa media ni Atty. Boni Tacardon at Atty. Dino de Leon, mga abogado ni De Lima.
Sinabi ng mga daing pulis na ipinadala ni de Lima ang kanyang mga abogado sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro upang pag-usapan ang legal na aspeto ng kanilang pagbawi. Si Magleo ay convicted sa kidnapping habang si Arile convicted sa kidnapping at murder.
Sila ang dalawa sa 10 New Bilibid detainee na tumestigo laban kay de Lima.