SA kamay ng ina, kinuha nito ang buhay ng sariling mga anak nang gilitan ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Magallanes, Cavite.
Patay na ang dalawang bata edad apat at tatlo nang makita sa loob ng kanilalng bahay.
Ayon sa pulisya, sinaktan din ng suspek ang sarili pero naitakbo siya sa ospital, at ngayon ay under observation pa rin.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang reklamong parricide na isasampa laban sa ginang.