
NAKATAKDANG isumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P5.768-trillion 2024 national budget, pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Plano rin ani Romualdez ng mayorya pagtibayin ang 2024 national budget pagsapit ng buwan ng Oktubre.
“Once this (pagsusumite ng taunang national budget) happens, then we will finish it before our October break. We average five weeks of solid work on budget deliberations, consideration, review and approval through third reading,” ani Romualdez.
“So we are confident with the processes and protocols and procedures that we have that we can finish deliberating on our national 2024 budget. That is the most important piece of legislation,” wika ng lider ng Kamara.
“The budget aims to sustain the country’s economic growth, create more income and job opportunities for the people and improve their quality of life through the timely delivery of basic social service like education, health care and infrastructure,” dagdag pa niya.
Samantala, tiniyak ni Romualdez sa mga sundalo at pulis na gagawan ng paraan ng Kamara ang kinakailangang P120 bilyong pondong tugon sa pensyon ng mga retiradong sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.
Katunayan aniya, inatasan na rin niya ang House ways and means committee na maghanap ng pwedeng pagkunan ng salapi para sa military and uniformed personnel (MUP).
Sa pagtataya ng kongresista, kailangan ng P3.6 trilyon ng gobyerno sa susunod na 30 taon para mabura ang aniya’y backlog sa mga pensyonado at matugunan maging yaong mga nakatakda nang magretiro sa mga susunod na taon.
“We have to take care of our troops and our uniformed personnel for they keep our nation and people safe every day.”