November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

770 KARAGDAGANG BUS INILARGA PARA SA UNDAS

NI LILY REYES

SA hangarin tugunan ang dami ng mga pasaherong biyaheng probinsya, inaprubahan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang 770 aplikasyon para sa special permits bilang bahagi ng paghahanda sa Undas.

Pasok sa nasabing bilang ang 276 Metro Manila bus na nais pumasada sa mga lugar sa labas ng rutang nakapaloob sa prangkisa.

Gayunpaman, nilinaw ng LTFRB na hanggang Nobyembre 10 lang ang bisa ng mga inaprubahan special permits sa hangarin ng ahensya madagdagan ang mga provincial bus na magseserbisyo sa inaasahang dagsa ng pasahero ngayong Undas.

Una nang pinayuhan ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz  ang mga operator at driver  ng bus na tiyaking ligtas ang paglalakbay ngmga pasahero.

Nagpakalat na rin ng mga tauhan ang LTFRB sa mga bus terminals upang matiyak na may kaukulang permit ang mga pampasaherong sasakyan para magsakay ng mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon.