NI LILY REYES
SA lakas ng hanging taglay ng super typhoon Leon, posibleng itaas na rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at storm signal no. 4 sa Batanes.
Sa abiso ng PAGASA, lubha anilang malakas ang bagyong Leon na may bitbit na “destructive typhoon-force winds” na may kakayahang magdulot ng malakimng pinsala at peligro sa mga residente ng naturang probinsya.
Huling namataan ang mata ng super typhoon sa 350 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan, taglay ang malakas na hangin umaabot sa 185 km/h at may pagbugsong 230 kph.
Tulad ng bagyong Kristine, kapansin-pansin din ayon sa PAGASA ang mabagal na pagkilos ng bagyong Leon na tumatahak sa direksyon kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Samantala,itinaas na rin sa signal no. 3 ang Batanes (eastern portion ng Babuyan Islands) at Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Nasa ilalim naman ng signal no. 2 ang ilang bahagi ng Babuyan Island, mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela, Apayao, Kalinga, northern at eastern portions ng Abra, eastern portion ng Mountain Province (Paracelis) at Ilocos Norte.
Signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Benguet, naiwang bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, northeastern portion ng Tarlac, northern portion ng Bulacan, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur, northern at eastern portion ng Catanduanes
Inaasahan namang na tatamasa kalupaan ang bagyong Leon sa eastern coast ng Taiwan bukas ng tanghali, Oktubre 31.
Ayon pa sa PAGASA, lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Leon gabi o Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 1.
