PARA sa mas nakararaming Pilipino, malaking aral ang iniwan ng pandemya sa mga taong walang kakayahang gumastos para sa kanilang kalusugan.
At para tiyaking ligtas sa banta ng nakamamatay na karamdaman tulad ng COVID-19, mas nais nilang panatilihing nakasuot ng facemask bilang proteksyon sakaling magkaroon muli ng peligrong dala ng mikrobyo.
Batay sa resulta ng survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS), 91% (mayorya) ng mga Pilipinong nakapanayam ang sang-ayon sa Executive Order 7 na nagbibigay laya sa mga mamamayan na magdesisyon kung nais pa nilang magsuot ng facemask – kesehodang indoor o outdoor.
Sa naturang bilang, 64% ang desididong magsuot pa rin ng facemask sa kabila ng pagbaba ng arawang bilang ng mga kumpirmadong positibo sa COVID-19. Nasa 27% naman ang nagpahiwatig ng kahandaan magsuot ng facemask.
Nasa 54% naman ang nagsabing magsusuot pa rin sila ng facemask paglabas ng kani-kanilang tahanan, habang 22% naman ang nagbing pwede pa rin naman anila silang mag facemask kung kinakailangan.