
TIMBOG sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Chinese national na pinaniniwalaang nasa likod ng ilegal na pagmimina ng ginto sa munisipalidad ng Libona sa lalawigan ng Bukidnon.
Bukod sa ilegal na operasyon ng minahan, nakunan din ng iba’t ibang klase ng baril at pampasabog sina Wu Chun Mao alyas Lao Wu at Wang Ping Yee alyas Lao Wang na pansamantalang nakatira sa isang subdibisyon ng Barangay Macasandig ng nabanggit na lungsod.
Hagip rin sa mga operatiba ang isang Junel Ermita na ayon sa CIDG ay bodyguard ng isa sa dalawang Tsinong inaresto.
Giit naman ng mga dinakip ng Tsino, pinoproseso na ang permit ng minahan nang sumalakay ang CIDG.
Sa imbestigasyon, hindi sinasadyang nabuking ang dalawang Chinese nationals na kapwa paso rin na pala ang pananatili sa bansa.