HANGGAT may reklamo, hindi pwedeng tumigil sa trabaho ang bagong talagang Cabinet Secretary (CabSec), ayon kay Palace Press Officer Claire Castro. Sa isang panayam sa telebisyon, partikular na tinukoy ni Castro ang direktiba ng Pangulo kay CabSec Benhur Abalos — ang tugunan ang bawat reklamong natatanggap ng hotline 8888 at Presidential Action Center (PACE). Paliwanag ni Castro, nais ng Pangulo tiyakin ang tugon sa bawat reklamo ng mga ordinaryong Pilipino. “Hawak niya din iyung normal na reklamo sa PACE at saka sa 8888. Ito ay dapat ma-monitor kung ano yung mga problema ng taong bayan… kahit maliit na problema dapat din solusyonan, hindi lang yung malalaki,” anang Palace official. Bago pa man itinalaga sa pwesto si Abalos, tinalakay na umano ng Pangulo ang pangangailangan makahanap ng tamang tao na magsisilbing tenga at taga-lutas ng problemang idinudulog sa gobyerno. “Yan ang patutukan ng Pangulo kaya CabSec Benhur Abalos para lahat ng maaaring may iniinda, maliit man o malaki, ay natututukan ng gobyerno,” sabi ni Castro. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Lotoc kay Sara: Parang di abogado kung umasta Article 4: Ebidensya kontra VP Sara Duterte sapat na?