MISMONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maghahayag sa pangalan ng susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema sa mga susunod na araw, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro.

Sa ginanap na regular press briefing sa Palasyo, binigyang pagkilala ni Castro ang limang mahistradong bahagi ng shortlist na inilabas ng Judicial Bar Council.

Aniya, pawang kwalipikado ang limang nominado. 

“Lahat sila may kanya-kanyang katangian, bukod pa sa ipinamalas na integridad sa panahon ng panunungkulan sa sangay ng hudikatura,” wika ng tagapagsalita ng Palasyo.

Kabilang sa mga nominado sa pwestong lilisanin ni Supreme Justice Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 6, sina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Associate Justice Japar Dimaampao, Associate Justice Midas Marquez at Associate Justice Rodil Zalameda.

“Let it be, it will be announced who the next chief justice is this week,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *