
OPISYAL nang iniluklok bilang bagong Department of Health (DOH) secretary si Dr.Teodoro “Ted” Herbosa ng Palasyo.
Nanumpa si Teodoro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Palasyo nitong Martes ng umaga.
Malugod na tinatanggap ng pamilya ng DOH ang pag-unlad na ito, dahil ito ay mahalaga sa mga operasyon ng Kagawaran.
Sa paglipat na ito, tinitiyak ng DOH na mananatiling walang hadlang ang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
“Maasahan po ng ating bagong kalihim, Secretary Ted, ang taos pusong suporta ng buong DOH family.” ayon kay Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.
Nangako si Teodoro na itutuloy nito ang Universal Health Care (UHC) sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga natamo ,pagpapalakas ng mga interventions sa sektor ng pangkalusugan, pagpapakilala ng mga reporma sa pangangalagang pangkalusugan.
Si Teodoro ay dating undersecretary of Health ng National Task Force (NTF) for COVID-19 Adviser.