ISANG Indonesian national na teenager na umanoy anak ng mag-asawang suicide bomber ang na-rescue ng militar nang salakayin ang pinagkukutaan ng dalawang kilabot na terorista sa Basilan.
Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Armed Forces of the Philippine nakubkob ng mga elemento ng Philippine Army 5th Scout Ranger Battalion ang pinagkukutaan ng Sulu-based Daulah Islamiyah-Abu Sayyaf Group (DI-ASG) subleader Mudzrimar Sawadjaan, a.k.a. Mundi, at ni Basilan-based ASG sub leader Pasil Bayali, a.k.a. Kera kasunod ng inilunsad na focus military operation sa Sitio Lobloban, Barangay Guiong, Sumisip, Basilan.
Dito nakita ng military ang Indonesian national na base sa military report, ay dinala ni alyas Mundi sa kanyang pagtakas mula Sulu para makaiwas sa mga tumutugis na tauhan ng Army 1103rd Infantry Brigade.
Subalit napilitang iwan nang sumalakay naman ang mga tauhan ng Army Scout Ranger.
Kinilala ni Joint Task Force Basilan Acting Commander Col. Frederick Sales ang kinse anyos na menor de edad na si Ahmad Ibrahim Rullie, a.k.a. Addih, na anak umano ni Abbang Rullie, ang Jolo Cathedral suicide bomber.
Agad na ni-rescue ng mga sundalo ang batang Rullie at dinala sa pagamutan para sa kaukulang medical check-up.
Magugunitang si Rullie Rian Zeke, a.k.a. Abbang Rullie, 35, at asawa nitong si Ulfah Handayani Saleh, 32, ang tinuturong responsible sa suicide bombing sa Jolo Cathedral noong January 2019 na ikinamatay ng 23 katao at nasugatan pa ang mahigit 100 iba pa.
Pinapurihan naman ni Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Roy Galido, ang mga tauhan ng Joint Task Force Basilan sap ag rescue sa teen aged Indonesian National.
“He is still young, and we are hopeful that with proper guidance and counseling, he will be able to walk back on the right path and build a better future,” ani Lt. Gen. Galido