WALANG plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. balasahin ang gabinete para lang pagbigyan ang mga kaalyado sa larangan ng politika.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag bilang tugon sa umano’y napipintong pagbabalik ni Benhur Abalos sa Department of Interior and Local Government (DILG) kapalit ni Secretary Jonvic Remulla.
Gayunpaman, inamin ng pangulo na nais niyang hirangin si Abalos para tumulong sa administrasyon.
Ayon kay Marcos, maganda ang rekord ni Abalos na patuloy at palihim na tumutulong sa pamahalaan bilang isang pribadong mamamayan.
“Just because we want him to join, to play a more active part in the government does not necessarily mean that you have to remove somebody to gain somebody else,” anang Pangulo.
Garantiya ng Pangulo, walang dapat na papalitan sa gabinete.
