SA gitna nang pagkalat at maling paggamit ng AI-generated deepfakes, disinformation at iba pang mali at mapanirang impormasyon, iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pangangailangang bumuo ng isang ahensiya ng pamahalaan na tututok dito.
“Our country’s policymakers and lawmakers should seriously consider the revival and passage of bills regarding creation of a government “superbody” which would promote and regulate use and development of the rapidly ascending AI technology,” ang apela pa ni Barbers na siyang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs at lead chair ng tinaguriang House Quad Committee.
Ayon sa Mindanaoan lawmaker, labis nang nakababahala ang lumalawak na paggamit ng AI technology lalo’t maaari itong magamit sa pananabotahe, terorismo, pagnanakaw at iba pang kriminal na gawain.
“While the rapid phase of technological advancement in AI provides huge potential in the development of the people and the economy, it also poses risks and challenges that must be addressed to ensure that its benefits are maximized, and its negative impacts are minimized, if not avoided,” sabi pa ni Barbers.
“As I have said earlier, we should have a “watchdog” to guard against unscrupulous individuals, like foreign propagandists, lobbyists, bandits or terrorist groups, that would take advantage of or use it for their selfish or criminal ends. Mahirap yung patulog-tulog tayo sa pancitan sa mga bagay na ito,” dagdag niya.
Matatandaan na noong pang Marso, 2023 o bago pa lumaganap sa bansa ang AI-generated technology, inihain ng House panel head ang panukalang batas para sa pagbuo ng Artificial Intelligence Development Authority (AIDA), isang government superbody na siyang mamamahala sa development at deployment ng AI technologies, at tiyaking nasusunod ang AI ethics principles at guidelines, kung saan dapat din protektahan ang karapatan at kapakanan ng bawat indibidwal o komunidad na maaaring maapektuhan ng AI technologies.
“Tulad ng paghahanda natin, kasama na ang pamahalaan, sa mga sakuna tulad ng bagyo, baha, lindol, sunog at iba pa, dapat din natin paghandaan ang daluyong na pwedeng dalhin sa ating bansa ng AI technology.
Kasama na rin dito ang pagharap at pag-gamit nang kabutihang maidudulot nito sa ating lipunan, bansa at ekonomiya.” Giit ni Barbers.
Sinabi ng Surigao del Norte solon na mayroong mga bansa, kabilang ang United States, Great Britain, kasapi ng European Union, at ilang ASEAN countries gaya ng Singapore ang mayroong drafted at adopted regulations para pamamahala ng lumalakas na AI technology. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
