SA halip hanapan ng solusyon ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin sa merkado, iminungkahi ng Palasyo sa publiko na mag “bargain hunting.” Ayon kay Palace Press Office Claire Castro, may “options” ang mga Pinoy consumers sa kabila ng “price adjustments” na inihayag ng Philippine Amalgamated Supermarket Association Partikular na tinutulak ng Palace official ang pagbili ng mas murang produktong hindi apektado ng taas presyo, batay na rin sa talaan na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI). Ani Castro, ang mga produktong nagtaas ng presyo ay hindi kasama sa listahan ng DTI kaya dapat maging matalino ang mga mamimili sa pagpili ng bibilhin sa mga palengke at supermarket. Sa talaan ng DTI, 190 produkto ang hindi magtataas ng presyo hanggang sa susunod na buwan. Pag-amin ni Castro, walang plano ang gobyerno awatin ang mga manufacturers, gayundin ang mga retailers sa planong taas-presyo ng mga produkto. Gayunpaman, panghahawakan umano ng pamahalaan ang pangako ng ilang manufacturers — ang pagpapanatili ng kasalukuyang presyo ng mga binebentang produkto sa merkado. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P8.8-B ‘line items’ sa DPWH budget kakalusin ng senado