KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila maibibigay ang hinihinging overtime pay ng mga guro na nagsilbing poll watchers sa katatapos na Barangay, Sangguniang Kabataan election (BSKE).
Ito ay matapos umapela ang Teachers’ Dignity Coation (TDC) na ibigay na ang mga benepisyo ng mga guro na halos 30 oras nagtrabaho bilang poll watchers.
Ayon naman kay Comelec chair George Garcia gustuhin man umano nila ay hindi nila maibibigay ang hinihingi ng mga ito.
Mayroon din umanong joint COA-DBM (Commission on Audit – Department of Budget and Management) circular kung saan ang mga empleyado lamang ng ahensiya ang maaaring tumanggap ng overtime pay.
Ang mga guro umano na nagsilbing electoral board members ay hindi kawani ng Comelec.
Idinagdag pa ni Garcia na wala umanong budget para sa hinihingi ng mga guro.
“Many of our Department of Education employees work beyond 24 hours and are thus entitled to overtime pay,” ayon naman kay TDC Chair Benjo Basas.