SIMULA bukas, Nobyembre3, tataas na ang singil sa toll rates sa South Luzon Expressway (SLEX) at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).
Sinabi ng Toll Regulatory Board (TRB) na ang mga motorist na bibiyahe mula Alabang hanggang Calamba ay magbabayad ng karagdagang P10 sa Class 1, P20 sa Class 2, at P30 sa Class 3 na sasakyan.
Samantala, ang mga sasakyan na bibiyahe mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas ay magbabayad ng karagdagang P4 sa Class 1, P6 sa Class 2, at P8 sa Class 3 na sasakyan.
Sinabi ng TRB na ang pagtaas ay base sa petisyon sa periodic toll rate Adjustments for 2012 and 2014.
“Nonetheless, to protect the general welfare, curb existing inflationary situation, and to mitigate the impact of the toll rate adjustments, the TRB has directed that the same be implemented in two tranches. The 1st tranche this year, and the 2nd tranche next year,” sabi sa kalatas ng TRB.
Karagdagang Balita
PROTOCOL PLATE NG SUV SA EDSA BUS LANE PEKE?
PNP NA-WOW MALI SA ERMITA ILLEGAL POGO RAID?
PRICE CONTROL HIRIT SA BENTAHAN NG ISDA