PATAY ang magka-live-in nang gumuho ang pader sa gitna mapaminsalang 6.8 lindol na yumanig sa southern Mindanao region, Biyernes ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Danny Ginung, 26, at partner na si Jane Ginung, 20, kapwa ng Barangay Sinawal, Gen. Santos City.
Naputol din ang kuryente sa lugar ng halos dalawang oras nang yanigin ng lindol.
Ayon kay Capt. Danny Balofiños, chief ng Gen. Santos City Police Station 4, na ilang minute matapos ang lindol ay nakatanggap sila ng tawag na nagsabing nalibing nang buhay ang mga biktima nang bumagsak ang pader sa Barangay San Isidro.
Nagkaroon muna umano ng landslide sa national highway patungong tourist destination sa Glan, Sarangani.
Sa kabila ng pagyanig, sinabi ng Office of the Civil Defense in the South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos area na walang dapat ikabahala ang mga residente doon sa tsunami.