SA halip na humingi ng dispensa, sinisi pa ng China ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pinakahuling insidente sa West Philippine Sea.
Ayon kay Wang Wenbin na tumatayong tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military-grade laser ng ang mga sundalong bahagi ng supply mission, dahil wala di umanong pahintulot mula sa Chinese government.
Giit ni Wang, bahagi ng teritoryo ng China ang Ayungin Shoal na tinawag niyang “Ren’ai Reef.”
“The Ren’ai Reef is part of China’s Nansha Islands,” ayon kay Wang.
Sa ulat ng PCG, binarako di umano sila ng mga sundalong Intsik na lulan ng barkong may bow number 5205, sa karagatang may layong apat na milya sa Ayungin Shoal kung saan nakahimpil BRP Malapascua.
Anila, dalawang ulit itinutok ng Chinese Coast Guard ang military-grade laser na nagdulot ng pansamantalang pagkabulag ng ilan sa mga bantay-dagat na lulan ng barkong maghahatid sana ng pagkain at gamot sa mga kasamahang sundalo sa Ayungin Shoal.
Para kay Wang, trabaho ng Chinese Coast Guard na protektahan ang soberanya ng China at kaayusan sa sakop ng teritoryo.
“The Chinese Coast Guard only upheld China’s sovereignty and maritime order and acted in a professional and restrained way.”
“We hope the Philippine side will respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea and avoid taking any actions that may exacerbate disputes and complicate the situation. China and the Philippines are in communication on this through diplomatic channels,” aniya pa.
Taliwas naman ang pahayag ni Wang sa 2016 Ruling ng International Tribunal na nagbasura sa Nine-Dash Line ng China.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN