TULAD ng pangako ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, kumpleto na ang balotang gagamitin sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.
Sa isang kalatas, inihayag ni Garcia na tapos na ang paglilimbag ng National Printing Office sa higit 69 milyong balota na aniya’y magsisilbing tinig ng mga botante.
Ayon kay Garcia, nasa 68,542,564 ang kabuuang bilang ng mga balotang inimprenta para sa 2025 midterm elections.
Paglilinaw ng Comelec chief, hindi kasama sa naturang bilang ng mga balota ang para sa Bangsamoro Parliamentary Elections na inusad sa Oktubre 13 ng kasalukuyang taon.
Enero 27 ng kasalukuyang taon nang simulan ng Comelec ang paglilimbag ng mga balota.
