SA gitna ng napipintong pagbabalik-pulitika ng dating kongresista, binawi ng Commission on Elections (Comelec) ang naunang desisyon na nagbibigay karapatan kay dating First District Rep. Prospero Pichay Jr.
Ayon sa Comelec, hindi na pwede pang kumandidato ang dating kongresista
Sa isang resolusyon na may petsang Abril 30, nagpasya ang Comelec en banc na kanselahin ang inihaing Certificate of Candidacy para sa posisyon ng Congressman ng unang distrito ng Surigao del Sur para sa 2022 national and local elections.
Nag-ugat ang kaso bunsod ng reklamo ni Rep. Romeo Momo Sr. matapos ideklara sa inihaing COC na siya’y “eligible” sa kabila ng hatol ng Ombudsman na nagsabing hindi na kwalipikado pang tumakbo sa anumang posisyon si Pichay.
