Ni EDWIN MORENO
HABANG abala ang Pilipinas sa pagbabantay ng West Philippine Sea (WPS), sa Benham Rise naman pumasok ang China, ayon kayi Commodore Jay Tarriela na tumatayong tagapagsalita ng Philippine Coast Guard for the West Philippine Sea.
Baggamat batid na ng pamahalaan ang presensya ng Chinese research vessel sa Benham Rise, inamin ni Tarriela na hindi pa din makapag dispatsa ng bantay dagat sa naturang karagatan sa silangang bahagi ng bansa.
Ang dahilan – walang magamit na barko.
“To be honest with you, right now, our limited number of vessels are strategically in the western side in the western seaboard,” wika ni Tarriela, kasabay sa isang press briefing.
“Should there be already an available vessel that we can deploy, we will be deploying it to check on the Chinese survey ship,” dugtong ng tagapagsalita ng PCG for West Philippine Sea.
Ilang araw na ang lumipas nang makatanggap ng ulat ang Armed Forces of the Philippines mula sa Philippine Navy hinggil sa presensya ng barkong Shen Kuo sa Benham Rise sa bahagi ng Vigan sa lalawigan ng Catanduanes.
Sa ulat ni Commodore Roy Vincent Trinidad na tumatayong tagapagsalita ng Philippine Navy, partikular na idinetalye ng opisyal ang mga kagamitang inilatag ng mga Tsino sa karagatang may layong 100 milya sa silangang bahagi ng Catanduanes.
“The Philippine Air Force on a maritime surveillance flight was able to get a picture of the ship lowering an unidentified equipment probably for scientific research or studies,” saad sa ulat ni Trinidad sa AFP.
“We are still trying to identify the particular type of equipment that was monitored,” dagdag pa niya.
