WALANG nakikitang balakid ang Commission on Elections (Comelec) sa plano ni Bamban Mayor Alice Guo maghain muli ng kandidatura para sa reelection – maliban na lang kung mapatunayan ng walang bahid alinlangan ng husgado ang alkalde sa anumang kaso.
“Kapag na-suspend ang isang local official, yun naman ay hindi final conviction o judgment sa isang kaso. In the meantime, makakatakbo po siya,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia.
Nahaharap sa kabi-kabilang imbestigasyon si Guo kaugnay ng alegasyong sangkot sa ilegal na operasyon ng dalawang OGO hubs sa sariling bayan, kwestyunableng citizenship, money laundering at di umano’y pagiging espisya ng China.
Una nang hiniling ng Department of Interior and Local Government sa Office of the Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Guo para maiwasan ang paggamit ng impluwensyang kalakip ng pwesto sa isinasagawang imbestigasyon.
Gayunpaman, tinabla ang hiling ng DILG kasabay ng mungkahing sampahan muna ng kaso ang kontrobersyal na alkalde.
“Of course, hindi natin pinag uusapan ang ibang kaso na pwede i-file sa kanya. Ayaw natin i-preempt ang maaaring mai-file sa kanya na kaso. Ang sa atin, kung sakali, tatanggapin natin ang kanyang Certificate of Candidacy,” paglilinaw ni Garcia.
