
ASAHAN ang mas mataas na antas ng serbisyo publiko ang garantiya ng Civil Service Commission (CSC) matapos aprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang P1-bilyong alokasyon sa nasabing ahensya ng gobyerno.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ipagpapatuloy at higit pang pagbubutihin ng CSC ang iba’t-ibang programa sa susunod na taon.
Kabilang sa mga tinukoy ni Nograles ang pagsusulong ng modernization at digitalization, kasama na rin ang pagsasagawa ng kaukulang training at capacity building sa hanay ng mga kawani ng pamahalaan.
Ani Nograles na tubong-Davao, “the CSC has been focusing on enhancing the skills of our civil servants at all levels post-pandemic. We’ve been advancing our digital initiatives, which includes the procurement of digital examination programs that are set to launch this year. The Commission has also accelerated the conduct of HR-related fora nationwide to better equip our government personnel.”
Ibinida rin ng former legislator 98.02% budget utilization ng CSC sa nakalipas na apat na taon.
“Efficiency and good governance have been key mantras for our big team at the CSC. We have made it a point to be extra visible to our stakeholders, to infect them with the same commitment and enthusiasm for public service. Layon nating pagtibayin ang kapasidad ng taong gobyerno para sa mas mabisang paninilbihan sa taong bayan,” wika pa ng former Cabinet Secretary.
Sa ilalim ng pamumuno ni Nograles, ang CSC ay palaging tinutukoy at kinikilala bilang most outstanding civil servants, nagpapatupad ng direct public engagement programs gaya ng job fairs at tree planting activities, at pinagbubuti ang anyo ng eligibility exams upang mahimok ang mas maraming mamamayan na pumasok sa to government service.
Sa isinagawang budget hearing sa House of Representatives, nangako si Nograes na aaksyunan ang mga isyung ipinaabot ng mga kongresista kabilang ang mungkahing punuan ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.
Pasok din sa target ng CSC sa 2025 ang paghahanda para sa flexible work schedule.
Paliwanag ng CSC chief, ang bawat ahensya ng pamahalaan ay inaatasan na punan ang kani-kanilang mga bakanteng posisyon.
“The CSC will always be ready to monitor and reassess core qualifications. One urgent task for us, for instance, is the need to increase teachers’ salaries to solve career progression concerns.”
Hinggil naman sa adjustment ng working hours upang lalong maging mapahusay ang pagpapatupad nito, sinabi ni CSC Chair na ang kanilang ahensya mismo ay nagpapatupad ng flexi-hybrid work setup partikular sa central at regional offices nito simula noong nakaraang buwan ng Agosto, bilang pagsasakatuparan sa pangako nito ng pagkakaroon ng uninterrupted frontline service.
“Your CSC is silently but effectively working behind the scenes to develop a growing government bureaucracy into an efficient and effective instrument of public service. That’s our primary purpose and ultimate goal,” pagtatapos ni Nograles.