HINDI pa man nakaka buwelo bunsod ng dikit-dikit na oil price hike nitong mga nakalipas ng linggo, isa na namang dagdag-presyo ang ikinasa ng pamahalaan sa presyo ng gasolina aty krudo ngayon Martes. Batay sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, P1.30 kada litro ang ipapataw nan dagdag sa presyo sa gasolina, habang 95 sentimos naman anila ang itataas sa bentahan ng krudo sa merkado. Wala naman pagbabago sa presyo ng kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto ng pagkain sa mga tahanan. Sinisi naman ng mga kumpanya ng langis namumuong hidwaan sa pagitan ng Pakistan at Iran sa oil price hike sa gasolina at krudo. Kabilang sa mga kumpanyang nagbigay kumpirmasyon sa pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang Shell Pilipinas Corporation, Cleanfuel, Seaoil Philippines at Chevron. Inaasahan naman maglalabas ng anunsyo ang iba pa bago sumapit ang hatinggabi ngayong araw. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation KAPITAN BINALAAN VS. SIGNATURE CAMPAIGN PARA SA CHACHA 20,000 KOLORUM NA JEEP, TARGET NG 50,000 LTO ENFORCERS