SA gitna ng patuloy na lumalalang sitwasyon sa MIddle East, muling nagbabadya sa susunod na linggo ang panibagong dagdag-presyo para sa mga produktong petrolyo sa lokal na merkado.

Batay sa datos ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), papalo sa P1.50 ang ipapatong sa presyo kada litro ng gasolina, habang inaasahan ang P2 dagdag sa presyo kada litro ng kerosene

Ayon kay DOE-OIMB Director Rino Abad, lubhang apektado ang Pilipinas sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

SSamantala, namumuro naman ang pisong rollback sa diesel na karaniwang gamit ng mga pampublikong sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *