NI EDWIN MORENO
TODO tanggi ang isang retiradong heneral sa paratang na siya’y sangkot sa pagdukot at pagpatay sa mga missing sabungero.
Ayon kay retired Lieutenant General Jonnel Estomo, naghahanda na ang kanyang mga abogado para sa pagsasampa ng kaso laban sa whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alyas Totoy.
Sa isang pahayag, tinawag ng retiradong heneral na “malisyoso at mapanira” ang alegasyon laban sa kanya, kasabay ng giit na wala siyang kaugnayan o kinalaman man lang sa kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero.
Nagpahayag din ng kahandaan si Estomo na maglabas ng mga ebidensyang maglilinis ng kanyang pangalan.
