
UMANI ng papuri mula mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang digital transformation program ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa mas mabilis at madaling paraan ng pagbabayad ng buwis.
Sa paglulunsad ng BIR 2025 National Tax Campaign Kickoff, binigyan-diin ni Presidente Marcos ang kahalagahan ng modernong tax system na nagbibigay benepisyo hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa sektor ng negosyo.
“The digital transformation program has revolutionized taxpayer services… Tax compliance is now more convenient for businesses, allowing them to focus on their businesses’ growth and their productivity. That is the modernization we aim for in a tax system that truly serves the people,” pahayag pa ni Marcos.
Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Romeo Lumagui Jr., naisulong ng BIR mga inisyatiba para maging simple ng pagsunod sa alituntunin ng pagbubuwis.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang Online Registration and Update System (ORUS), Digital TIN, ang Electronic One-Time Transactions (eONETT), gayundin ang expansion ng ‘eLounges’ at nakatakdang pagbubukas ng “contact centers.”
Ayon kay Lumagui, prayoridad ng BIR ang digitalization ng tax services para sa “faster, hassle-free system experience” ng mga taxpayer at himukin ang boluntaryong pagtalima at pagkakaroon ng tiwala sa proseso ng gobyerno.
“Sinisiguro natin na kung ano man yung magiging ultimate result ng ating digital transformation ay nararamdaman ng mga taxpayers. Makikita po yun dahil mas magiging madali at magiging streamlined po lahat ng mga proseso na ginagawa natin sa BIR,” wika ni Lumagui.
“Kaya dyan din po tayo nakatutok na gagawin po natin yan. Dahil ultimately, ang gusto natin ay mas mapaganda, mapabilis ang serbisyo ng BIR. So, again, dyan magtataas ang compliance,” saad din niya.
Kinilala naman ng hanay ng business leaders ang positibong epekto ng modernization efforts ng BIR kung saan iginiit ni Mr. George Barcelon, chairman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang kahalagahan nang pagtugon ng mga negosyante sa businesses in tax reforms and digitalization.
“The BIR, under Commissioner Lumagui, has been very receptive to feedback. We have a multi-sectoral group that meets regularly with BIR to discuss prevailing issues, and digital transformation is key to addressing many concerns,” pagbabahagi ni Barcelon.
“Most of our entrepreneurs are micro and small businesses. In that aspect of the technical capability, we have to handhold them. So, we are cascading all the issues that are being brought forward to us to BIR so they can look at it and amend or tweak whatever is fair and doable,” dagdag niya.
Ipinabatid naman ng sikat na content creator na si Boss Toyo ang kanyang personal na karanasan sa paggamit ng digital services sa pagbabayad ng buwis.
“Parang before, naiisip mo, parang uy, BIR, kailangan magbayad tayo. May takot eh, meron ganong factor pag narinig mo yung BIR, di ba? Pero later on, pag basta maayos kang, inaayos mo yung mga dapat mong ayusin sa BIR, yung paano ka mag-comply, wala ka naman dapat katakutan. Kasi being compliant lang naman talaga yung solusyon, pero yung sinasabi nilang nakakatakot na BIR, mawawala yun once na naging compliant ka sa BIR.”