
DAPAT seryosohin ng lokal na pamahalaan ang paglalatag ng sapat at pangmatagalang mekanismong tugon sa mga sakuna sa lungsod ng Davao kung saan patuloy na tumataas ang bilang ng insidente ng sunog sa nakalipas na limang taon.
Para kay former Davao City Congressman Karlo Nograles, higit na angkop palakasin ang hanay ng lupon ng pamatay sunog sa paraan ng pagdaragdag ng bumbero, angkop na kagamitan at pagtataguyod ng mas maraming fire stations para mabawasan, kung hindi man maiwasan ang pagkakaroon ng malawakang sunog.
Ayon kay Nograles, dapat din tutukan ng Davao City ang fire prevention program upang magkaroon ng kahandaan o alam ang dapat gawin ng bawat isa kapag mayroong insidente ng sunog gaya ng nangyaring LPG explosion sa Damosa Complex, Lanang District kamakailan kung saan anim ang sugatan.
“This explosion is another painful reminder that we need to do more to keep our communities safe. We cannot afford to wait for accidents before taking action. A forward-looking approach means building the necessary infrastructure, strengthening fire safety education, and ensuring our firefighting personnel have the tools they need to respond effectively,” wika ni Nograles.
Noong nakaraang taon, ang Davao City ay nakapagtala ng 855 fire incidents, ang pinakamataas na bilang sa nakalipas na limang taon, na may tinatayang P95-milyong halaga ng pinsala.
Ayon kay Nograles, hindi sapat ang 15 fire stations sa lungsod. Batay sa mga pag-aaral na isinagawa sa mga nakalipas na panahon, lumalabas 37 istasyon ng bumbero ang kailangan para sa 182 barangay na sakop ng Davao City.
Kapos din aniya ang mga firetrucks na rumerespondo sa tawag ng saklolo.
“Many communities remain vulnerable, particularly in high-density and far-flung areas where fire trucks take longer to arrive. The city also faces a shortage of fire trucks, with only 15 currently operational instead of the 72 needed based on international safety standards,” dugtong ng former chairman ng Civil Service Commission (CSC).
“More fire stations must be built in key areas such as Maa, Bangkal, Marilog, and Malabog to shorten response times. Firefighting equipment, including personal protective gear, breathing apparatuses, and additional fire hoses, must be upgraded to ensure that responders are fully equipped. The city also needs to strengthen recruitment efforts, as the current number of firefighters is insufficient to operate even the limited number of fire trucks available,” giit pa ni Nograles.
“Regular safety inspections, particularly for businesses using LPG and other flammable materials, must be strictly enforced. A citywide fire safety awareness program should be launched to educate businesses, homeowners, and students about preventing fires before they start,” mungkahi ng Davao City mayoralty candidate.