MAY bagong Kalihim ang Department of Finance (DOF), ayon sa Presidential Communications Office.
“Rep. Ralph Recto and Frederick Go are scheduled to take their oath before President Ferdinand R. Marcos Jr. as Secretary of Finance and Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, respectively,” pahayag ni Press Secretary Cheloy Garafil.
Kumpiyansa naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagkakahirang kay Recto bilang bagong kalihim ng DOF – “I wholeheartedly welcome the appointment of our dear friend, Senator Ralph Recto, as our new Finance Secretary.”
Para kay Zubiri, angkop ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Recto na aniya’y isang “resident number genius,” bukod pa sa kakayahan aniya ang dating senador na makita ang implikasyon ng mga polisiya ng pamahalaan.
Kumbinsido rin ang lider ng Senado na magiging isang magaling na Finance Secretary si Recto.
Sa Kamara, mainit na tinanggap ni House Committee on Ways and Means Chairman Rep. Joey Salceda ang paghirang kay Recto bilang DOF Secretary.
