TUMATAGINTING na P7,000 kada araw ang kailangan kitain ng isang pangkaraniwang tsuper para mabayaran ang modern jeep na tarfget ng pamahalaan ipalit sa tinaguriang “Hari ng Kalsada.”
Sa ginanap ng pagdinig ng House Committee on Transportation, kinastigo ni 1-Rider part-list Representative Bonifacio Bosita ang aniya’y kawalan ng malasakit ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator at jeepney drivers.
“Based on Landbank computation of granting loans at 6% annual interest payable for seven years and at P2.8 million per unit, a cooperative would need to raise P40,000 monthly to pay for each unit. This amount excludes fuel, facilities, cooperative management, maintenance and other mandatory expenses. Each unit would need to earn P4,000 to P5,000 a day for these expenses [of loan payment and maintenance], excluding the amount that the driver will earn. If drivers are looking at earning P1,500 or P2,000 per day, that would be P7,000 per day,” ani Bosita.
Tugon ni LTFRB chairman, pwede naman aniyang bumili ng mas murang klase ng modern jeep na nagkakahalaga ng P900,000 lang – “Kung nagkakahalaga lamang ng P900,000 hanggang P1.8 milyon ang biniling modern jeepney, mas maliit ang huhulugan ng mga tsuper at operator.”
Agad naman sinopla ni Bosita si Guadiz – “Kahit P1.6 milyon lang ang presyo ng modern jeepney, kailangan pa rin mag-ipon ng P25,000 kada buwan para makabayad sa Landbank.”
“I have basis. So do you [in the LTFRB] even have an idea how much would the fares should be para makabayad sa utang at kumita naman ang mga driver?” tanong ng kongresista.
Bago pa man ang naturang pagdinig, nagpahayag ng pagkabahala ang mga commuter groups hinggil sa napipintong pagtaas ng singil sa pasahe na posible pa anilang pumalo ng P50 sa unang apat na kilometro.
