
SA kabila ng edad, kumbinsido ang sektor ng agrikultura na malaki pa ang maitutulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang senador ng bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI), nasungkit ni Duterte ang unang pwesto sa talaan ng mga nais iluklok ng mga magsasaka bilang senador pagsapit ng 2025 midterm election sa Mayo ng susunod na taon.
Ikinagulat naman ng mga netizens ang pagpasok sa talaan ni SAGIP partylist Rep. Rodante Marcoleta na nasa ikalawang pwesto. Pumangatlo naman si Sen. Imee Marcos.
Pasok din sa Magic 12 ng PAPI survey sina Sen. Francis Tolentino, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, former Senate President Tito Sotto, dating Sen. Manny Pacquiao, Sen. Bong Go, former Vice President Leni Robredo, dating Manila City Mayor Isko Moreno at Sen. Pia Cayetano.
Ayon sa PAPI, isinagawa ang survey sa hanay ng 1,500 magsasaka mula sa Luzon, Visayas at Mindanao noong nakaraang buwan.