ANIM na buwang suspensyon ang kastigong inilapat ng Office of the Ombudsman laban sa mga opisyales ng pamahalaan kaugnay ng biniling subuyas na inilako ng Kadiwa.
Paglilinaw ng Ombudsman, layon ng suspensyon maiwasan ang paggamit ng impluwensya limang opisyales mula sa Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated (FTI) habang patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay ng onion procurement deal para sa Kadiwa Food Hub project.
Sa resolusyong may petsang Agosto 1, 2023, pinatawan ni Ombudsman Samuel Martires sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Administrative Officer Eunice Biblanias, DA Officer-in-Charge Chief Accountant Lolita Jamela, FTI Vice President for Operations John Gabriel Benedict Trinidad III at Budget Division Head Juanita Lualhati “preventive suspension without pay.”
Sa orihinal na reklamo, kasama sina DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban at FTI President Robert Tan sa listahan ng mga respondent sa kasong inihain sa Ombudsman.
Ngunit sa utos ng Ombudsman, tanging sina Evangelista, Biblanias, Jamela, Trinidad III, at Lualhati lamang ang kasama sa suspension order.
Sa datos ng Ombudsman, pumasok sa isang Memorandum of Agreement si Panganiban sa FTI para sa Food Mobilization o Kadiwa Food Hub Project habang ang bansa ay nahaharap sa kakulangan ng suplay ng sibuyas noong nakaraang taon.
Pagkatapos, ang FTI ay pumasok naman sa isang Letter of Agreement sa Bonena Multi-Purpose Cooperative para sa delivery ng 8,845 bag ng sibuyas.
Para sa Ombudsman, nilabag ng mga naturang opistales ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Act. dahil sa kakulangan ng mga parameter sa pagpili ng kooperatiba.
Kinuwestyon din ng Ombudsman ang advance payment 50 porsiyento sa contract price, ang hindi pagsunod sa MOA, bahagyang pagpapatupad ng kontrata, at kaduda-dudang pag-deliver ng Bonena.
Karagdagang Balita
P305M SA POGO RAID, NASA SAFEKEEPING LANG — PNP
DOE: BIGTIME OIL PRICE HIKE NAMUMURO SA MARTES
BONG GO SA POGO BAN: LAHAT SAGASAAN, WALANG IIWANAN