
SA hangaring tuluyang mapuksa ang mga krimen gamit ang internet, target ng Korte Suprema kapunin ang mga probisyong pang patagal sa pagpapalabas ng mandamiento de arresto mula sa husgado.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, puspusan na ang pag-aaral ng Special Committee on Cybercrime and Electronic Evidence ng Korte Suprema ang pag-amyenda sa Rules on Cybercrime Warrants.
Paliwanag ni Gesmundo, higit na angkop palakasin ang criminal justice sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa cybercrime.
“This will enhance the capacity of the criminal justice sector to handle cybercrime, especially in terms of identifying, preserving, collecting, examining, analyzing, authenticating, and presenting electronic evidence in court,” wika ni Gesmundo sa kanyang pagdalo sa legal education summit na ginanap sa Guam kamakailan.
Ani Gesmundo, hindi dapat ipagwalang bahala ang patuloy na pamamayagpag ng mga cybercriminals sa kabila mga probisyong tampok sa cybercrime laws.
“The threats and their perpetrators are constantly upgrading; and so must we and our tools,” aniya.
“The crimes they commit continue to recognize no borders; and so our efforts in response must be as broad and expansive, with all due regard, of course, for the law and the rights of all,” dagdag pa ng punong mahistrado.
Hulyo 3, 2018 nang inilabas ng Korte Suprema ang bagong Rules on Cybercrime Warrants matapos ipasa ang Cybercrime Prevention Act (Republic Act No. 10175) kung saan nakasaad ang “special procedures” para sa mga kasong pasok sa kategorya ng cybercrime.