WALANG dudang patok ang negosyong pagkain sa lokal na merkado, subalit kaya bang magsampa ng P2.159 bilyon ang kita sa loob lang ng limitadong panahon?

Ito ang palaisipan na nais hanapan ng akmang kasagutan ni private prosecutor Erwin Matib kaugnay ng sinasabing kita ng fast food business ni Vice Presidente Sara Duterte sa Davao City.

Partikular na tinukoy ko Ayon kay Private prosecutor Atty. Erwin Matib, base sa financial statement ng Gencorp Industries Inc., ay tinukoy nito ang “Jollibee” bilang isa ino-operate nito.

Nang suriin ni Senator-Judge Francis Pangilinan ang mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), makikita ang financial statements ng City Hall King Chow Foods Corporation, Metro City Chow Foods Corporation, Great Jolly Times Food Corporation at Timesquare Bee Foods Corporation, na karamihan ay nagsimula noong 2007, habang ang iba ay makalipas ang ilang taon at mayroon ding na-extend mula 2024 o 2025.

Lumabas na ang City Hall King Chow Food Corp. ay mayroong tinatatayang kita na ₱310.11 million, ₱309 million naman ang Metro City Chow Food Corp., ang Great Jolly Times Food Corp. ay nasa ₱209 million, at ang Timesquare Bee Foods ay ₱335 million.

Ayon kay Pangilinan, kung ang apat na nabanggit na korporasyon ay aabot sa ₱1.15 billion ang combined sales at ang Gencorp Industries Inc. ay mayroong sales na ₱1.04 billion, lalabas na ang kabuuang halagang mula 2007 hanggang 2024 ay ₱2.159 billion.

Tinanong naman ng senator-judge si SEC Company Registration and Monitoring Department Director Atty. Gerardo F. Del Rosario kung ang mga korporasyon ay nagdeklara ng pagbibigay ng dividends.

“Wala pong impormasyon on dividend declaration,” ang sagot ng SEC official.

Sa 2024 at 2025 Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na isinumite ni Duterte ay tinukou niya ang pagkakaroon ng shares of stocks sa Metro City Chow Food Food at Gencorp Industries Inc.

Subalit sa Articles of Incorporation at General Information Sheets (GIS) ng Gencorp Industries Inc. mula 2020 at 2025, na isinumite sa SEC, ay hindi nakalista bilang incorporator o stockholder ang bise presidente.

Base naman sa kanyang SALN mula 2016 hanggang 2025, idineklara ni Duterte ang kanyang pagiging incorporator o stockholder sa Gencorp Industries Inc., na dating Timesquare Bee Foods Corp. at Great Jolly Times Foods Corp. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *